Pagbabalik-loob at paghingi ng kapatawaran
1 Basahin nang isang beses قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم: ((وَاللَّهِ إِنِّي لأَسْتَغفِرُ اللَّهَ وَأَتُوبُ إِلَيْهِ فِي الْيَوْمِ أَكْثَرَ مِنْ سَبْعِينَ مَرَّةٍ)).
(Sinabi ng Sugo ni Allah: ‘Sumpa kay Allah, humihingi ako ng kapatawaran at nagsisisi kay Allah nang higit sa pitumpung beses sa isang araw.)
2 Basahin nang isang beses وَقَالَ صلى الله عليه وسلم: ((يَا أَيُّهَا النَّاسُ تُوبُوا إِلَى اللَّهِ فَإِنِّي أَتُوبُ فِي الْيَوْمِ إِلَيْهِ مِائَةَ مَرَّةٍ)).
(Sinabi rin niya: ‘O mga tao, magsisi kayo! Katotohanan, nagsisisi ako kay Allah nang isandaang beses sa isang araw.)
3 Basahin nang isang beses وَقَالَ صلى الله عليه وسلم: ((مَنْ قَالَ أَسْتَغْفِرُ اللَّهَ الْعَظيمَ الَّذِي لاَ إِلَهَ إِلاَّ هُوَ الْحَيُّ القَيّوُمُ وَأَتُوبُ إِلَيهِ، غَفَرَ اللَّهُ لَهُ وَإِنْ كَانَ فَرَّ مِنَ الزَّحْفِ)).
(Sinabi rin niya: ‘Sinumang magsabi:(Humihingi ako ng kapatawaran kay Allah, na walang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Buhay na Walang Hanggan, ang Tagapagpanatili at Tagapagtaguyod ng lahat, at bumabalik ako sa Kanya sa pagsisisi.) patatawarin siya ni Allah kahit siya pa ang tumakas sa pagsulong ng isang hukbo.)
4 Basahin nang isang beses وَقَالَ صلى الله عليه وسلم: ((أَقْرَبُ مَا يَكُونُ الرَّبُّ مِنَ الْعَبْدِ فِي جَوْفِ اللَّيْلِ الآخِرِ فَإِنِ اسْتَطَعْتَ أَنْ تَكُونَ مِمَّنْ يَذْكُرُ اللَّهَ فِي تِلْكَ السَّاعَةِ فَكُنْ)).
(Sinabi niya: ‘Ang pinakamalapit na pagdating ng Panginoon sa Kanyang alipin ay sa kalagitnaan ng gabi, kaya kung kaya mong maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allah sa oras na iyon, gawin mo.)
5 Basahin nang isang beses وَقَالَ صلى الله عليه وسلم: ((أَقْرَبُ مَا يَكُونُ الْعَبْدُ مِنْ رَبِّهِ وَهُوَ سَاجِدٌ فَأَكثِرُوا الدُّعَاءَ)).
(Sinabi rin niya: ‘Ang pinakamalapit ng isang alipin sa kanyang Panginoon ay kapag siya ay nagpapatirapa, kaya dumalangin kayo nang marami roon.)
6 Basahin nang isang beses وَقَالَ صلى الله عليه وسلم: ((إِنَّهُ لَيُغَانُ عَلَى قَلْبِي وَإِنِّي لأَسْتَغْفِرُ اللَّهَ فِي الْيَوْمِ مِائَةَ مَرَّةٍ)).
(Sinabi rin niya: ‘Katotohanan, nagiging abala ang aking puso, at katotohanan, humihingi ako ng kapatawaran kay Allah nang isandaang beses sa isang araw.)(abala: ibig sabihin, sa kalagayan ng ‘pagkalimot’. Palaging dinaragdagan ng Propeta ang kanyang pag-alaala sa kanyang Panginoon, sa pagtatamo ng kalapitan kay Allah at pagkakaroon ng kamalayan kay Allah, hanggang sa kung anumang pagbaba ng tindi nito ay ituturing niyang kasalanan at magmamadali siyang humingi ng kapatawaran kay Allah.)