Kahalagahan ng Dhikr: SubhanAllah, Alhamdulillah at Takbir

12 adhkar

Progreso

Ang kahalagahan ng pag-alaala kay Allah

1×100
قَالَ صلى الله عليه وسلم مَنْ قَالَ: سُبْحَانَ اللَّهِ وَبِحَمْدِهِ فِي يَوْمٍ مِائَةَ مَرَّةٍ حُطَّتْ خَطَايَاهُ وَلَوْ كَانَتْ مِثْلَ زَبَدِ الْبَحْر)).
Sinumang magsabi:(Kaluwalhatiankay Allah at pinupuri ko Siya.)nang isandaang beses sa loob ng araw,mabubura ang kanyang mga kasalanan,kahit pa kasingdami ng bula ng dagat.
2×10
وَقَالَ صلى الله عليه وسلم:مَنْ قَالَ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ، وَلَهُ الْحَمْدُ، وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ عَشْرَ مِرَارٍ، كَانَ كَمَنْ أَعْتَقَ أَرْبَعَةَ أَنْفُسٍ مِنْ وَلَدِ إِسْمَاعِيلَ
Iniulat ni Abu Hurayrah na sinabi ng Sugo ni Allah:‘Sinumang magsabi:(Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah,nag-iisa, walang katambal.Sa Kanya ang buong paghahari at papuriat Siya ay may kakayahan sa lahat ngbagay.) nang isandaang beses sa loob ng araw,ay may gantimpalang katumbas ng pagpapalaya ng sampung alipin,isandaang mabuting gawa ang itatala parasa kanya at isandaang masamang gawa ang mabubura,at magkakaroon siya ng kanlungan labansa demonyo sa araw na iyon hanggang gabi,at walang makapagdadala ng higit na mabutimaliban sa sinumang gumawa ng higit pa.
3×1
وَقَالَ صلى الله عليه وسلم:كَلِمَتَانِ خَفِيفَتَانِ عَلَى اللِّسَانِ، ثَقِيلَتَانِ فِي الْمِيزَانِ، حَبِيبَتَانِ إِلَى الرَّحْمَنِ: سُبْحَانَ اللَّهِ وَبِحَمْدِهِ، سُبْحانَ اللَّهِ الْعَظِيمِ
Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabing Sugo ni Allah:’(May) Dalawang salita,(na) magaan sa dila,mabigat sa Timbangan at mahal ng Pinakamaawain:(Kaluwalhatian kay Allah at pinupuri ko Siya.Kaluwalhatian kay Allah, ang Pinakadakila.)
4×1
وَقَالَ صلى الله عليه وسلم:لَأَنْ أَقُولَ سُبْحَانَ اللَّهِ، وَالْحَمْدُ لِلَّهِ، وَلاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ، وَاللَّهُ أَكْبَرُ، أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا طَلَعَتْ عَلَيْهِ الشَّمسُ
Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ng Sugo ni Allah:‘Ang pagsabi ng:(Kaluwalhatian kay Allah,at ang lahat ng papuri ay para kay Allah.Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah,at si Allah ang Pinakadakila.)ay higit na mahal sa akin kaysasa lahat ng sinisikatan ng araw.
5×100
وَقَالَ صلى الله عليه وسلم:أَيَعْجِزُ أَحَدُكُم أَنْ يَكْسِبَ كُلَّ يَوْمٍ أَلْفَ حَسَنَةٍفَسَأَلَهُ سَائِلٌ مِنْ جُلَسَائِهِ كَيْفَ يَكْسِبُ أَحَدُنَا أَلْفَ حَسَنَةٍ؟ قَالَ:يُسَبِّحُ مِائَةَ تَسْبِيحَةٍ، فَيُكتَبُ لَهُ أَلْفُ حَسَنَةٍ أَوْ يُحَطُّ عَنْهُ أَلْفُ خَطِيئَةٍ
Sinabi ni Sa’d:‘Nakaupo kami kasama ang Sugo ni Allah, at sinabi niya:‘May sinuman ba sa inyo na hindi kayangmakamit ang isang libong mabuting gawabawat araw?’ May nagtanong sa kanya:Paano makakamit ang isang libong mabuting gawa? Sumagot siya:‘Dapat siyang magsabi:(Kaluwalhatian kay Allah.) isandaang beses,sapagkat isang libong mabuting gawaang itatala para sa kanya o isanglibong masamang gawa ang mabubura.
6×1
مَنْ قَالَ: سُبْحَانَ اللَّهِ الْعَظِيمِ وَبِحَمْدِهِ غُرِسَتْ لَهُ نَخْلَةٌ فِي الْجَنَّةِ
Iniulat ni Jabbir na sinabi ng Propeta:‘Sinumang magsabi:(Kaluwalhatian kay Allah, ang Pinakadakila,at pinupuri ko Siya.) ay itatanim parasa kanya ang isang puno ng palma sa paraiso.
7×1
وَقَالَ صلى الله عليه وسلم:يَا عَبْدَ اللَّهِ بْنَ قَيْسٍ أَلاَ أَدُلُّكَ عَلَى كَنْزٍ مِنْ كُنُوزِ الْجَنَّةِ؟ فَقُلْتُ: بَلَى يَا رَسُولَ اللَّهِ، قَالَ:قُلْ لاَ حَوْلَ وَلاَ قُوَّةَ إِلاَّ بِاللَّهِ
Iniulat ni AAabdullah Ibn Qays na sinabi sa kanya ng Propeta:‘ O ‘AAabdullah Ibn Qays,hindi ko ba ipaaalam sa iyo ang isangkayamanan mula sa mga kayamanan ngparaiso?’ Pagkatapos ay sinabi niya:‘Sabihin mo: (Walang lakas at kapangyarihan maliban kay Allah.)
8×1
وَقَالَ صلى الله عليه وسلم:أَحَبُّ الْكَلاَمِ إِلَى اللَّهِ أَرْبَعٌ: سُبْحَانَ اللَّهِ، وَالْحَمْدُ لِلَّهِ، وَلاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ، وَاللَّهُ أَكْبَرُ، لاَ يَضُرُّكَ بِأَيِّهِنَّ بَدَأتَ
ang pinakamamahal na mga salita kay Allah ay apat:(Kaluwalhatian kay Allah, ang lahat ng papuri ay para kay Allah.Walang karapat-dapat sambahin malibankay Allah at si Allah ang Pinakadakila.)hindi mahalaga kung alin sa mga ito ang uunahin mo.
9×1
جَاءَ أَعْرَابِيٌّ إِلَى رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم فَقَالَ: عَلِّمْنِي كَلاماً أَقُولُهُ: قَالَ:قُلْ: لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، اللَّهُ أَكْبَرُ كَبِيراً، وَالْحَمْدُ لِلَّهِ كَثِيراً، سُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ العَالَمِينَ، لاَ حَوْلَ وَلاَ قُوَّةَ إِلاَّ بِاللَّهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِقَالَ: فَهَؤُلاَءِ لِرَبِّي، فَمَا لِي؟ قَالَ:قُلْ: اللَّهُمَّ اغْفِرْ لِي، وَارْحَمْنِي، وَاهْدِنِي، وَارْزُقْنِي
Isinalaysay ni SaAAd Ibn Abee Waqqasna may isang lalaking pumunta saSugo ni Allah at nagsabi sa kanya:‘Turuan mo ako ng isang bagay na dapat kong sabihin?’ Sinabi niya:‘Sabihin mo: (Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah,nag-iisa, walang katambal.Si Allah ang Pinakadakila at sagana ang papuri kay Allah.Kaluwalhatian kay Allah, Panginoon ng mga daigdig.Walang lakas at kapangyarihan maliban kay Allah,ang Mataas sa kapangyarihan,ang Marunong.) Pagkatapos ay sinabi ng lalaki:‘Ang mga ito ay para sa aking Panginoon,at ano ang para sa akin?’ Sumagot siya:‘Sabihin mo:(O Allah, patawarin Mo ako,kahabagan Mo ako,gabayan Mo ako at ipagkaloob Mo sa akin ang kabuhayan.)
10×1
كَانَ الرَّجُلُ إِذَا أَسْلَمَ عَلَّمَهُ النَّبيُّ صلى الله عليه وسلم الصَّلاَةَ ثُمَّ أَمَرَهُ أَنْ يَدْعُوَ بِهَؤُلاَءِ الْكَلِمَاتِ:اللَّهُمَّ اغْفِرِ لِي، وَارْحَمْنِي، وَاهْدِنِي، وَعَافِنِي وَارْزُقْنِي
Sinabi ni Tariq Al-AshjaAAee:‘Kapag may yumayakap sa Islam,tinuturuan siya ng Propeta kung paano magsalahat pagkatapos ay inuutusan siyang manalanginsa pamamagitan ng mga sumusunod na salita:(O Allah, patawarin Mo ako, kahabagan Mo ako,gabayan Mo ako,ipagkaloob Mo sa akin ang kalusuganat ipagkaloob Mo sa akin ang kabuhayan.)
11×1
إِنَّ أَفْضَلَ الدُّعَاءِ الْحَمْدُ لِلَّهِ، وَأَفْضَلَ الذِّكْرِ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ
Isinalaysay ni Jabir Ibn ‘AAabdullah na sinabi ng Sugo ni Allah:‘Katotohanan, ang pinakamahusay na panalangin ay:(Ang lahat ng papuri ay para kay Allah.) at katotohanan,ang pinakamahusay na anyo ng pag-alaala ay:(Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah.)
12×1
الباقيات الصالحات : سبحان الله والحمد لله ، ولا إله إلا الله ، والله أكبر ، و لا حول ولا قوة إلا بالله
Ang mga mabubuting gawang nananatiliay ang ‘Niluluwalhati si Allah’,at ‘Ang papuri ay para kay Allah’,at ‘ngunit Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah’,at ‘Si Allah ang Pinakadakila’,at ‘Walang kapangyarihan at walang lakas maliban kay Allah’

Magaan sa dila, mabigat sa timbangan: mga simpleng salita ng dhikr at ang gantimpala nito.

Pinagmulan: Hisn al-Muslim (Kuta ng Muslim). Tekstong Arabic na may salin.

Mga tanong

Saan galing ang adhkar na “Kahalagahan ng Dhikr: SubhanAllah, Alhamdulillah at Takbir”?

Kinuha ang mga ito mula sa Hisn al-Muslim, isang koleksyon ng adhkar at du'a mula sa Qur'an at sa tunay na Sunnah.

Ilang beses dapat ulitin ang bawat dhikr?

Nakasaad ang bilang sa itaas ng bawat dhikr. Kung walang nakasaad na bilang, sinasabi ito nang isang beses.

This page is translated with machine assistance and may contain mistakes. The English and Arabic versions are our reference. About our sources