قَالَ جَابرُ بْنُ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا: كَانَ رسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم يُعَلِّمُنَا الْاسْتِخَارَةَ فِي الْأُمُورِ كُلِّهَا كَمَا يُعَلِّمُنَا السُّورَةَ مِنَ الْقُرْآنِ، يَقُولُ: ((إِذَا هَمَّ أَحَدُكُمْ بِالْأَمْرِ فَلْيَرْكَعْ رَكْعَتَيْنِ مِنْ غَيْرِ الْفَرِيضَةِ، ثُمَّ لْيَقُلْ: اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْتَخِيرُكَ بِعِلْمِكَ، وَأَسْتَقْدِرُكَ بِقُدْرَتِكَ، وَأَسْأَلُكَ مِنْ فَضْلِكَ العَظِيمِ؛ فَإِنَّكَ تَقْدِرُ وَلاَ أَقْدِرُ، وَتَعْلَمُ وَلاَ أَعْلَمُ، وَأَنْتَ عَلاَّمُ الغُيُوبِ، اللَّهُمَّ إِنْ كُنْتَ تَعْلَمُ أَنَّ هَذَا الأمْرَ - وَيُسَمِّي حَاجَتَهُ - خَيْرٌ لِي فِي دِينِي وَمَعَاشِي وَعَاقِبَةِ أَمْرِي – أَوْ قَالَ: عَاجِلِهِ وَآجِلِهِ - فَاقْدُرْهُ لِي وَيَسِّرْهُ لِي ثمَّ بَارِكْ لِي فِيهِ، وَإِنْ كُنْتَ تَعْلَمُ أَنَّ هَذَا الْأَمْرَ شَرٌّ لِي فِي دِينِي وَمَعَاشِي وَعَاقِبَةِ أَمْرِي – أَوْ قَالَ: عَاجِلِهِ وَآجِلِهِ – فَاصْرِفْهُ عَنِّي وَاصْرِفْنِي عَنْهُ وَاقْدُرْ لِيَ الْخَيْرَ حَيْثُ كَانَ، ثُمَّ أَرْضِنِي بِهِ)).وَمَا نَدِمَ مَنِ اسْتَخَارَ الْخَالِقَ، وَشَاوَرَ الْمَخْلُوقِينَ الْمُؤْمِنِينَ وَتَثَبَّتَ فِي أَمْرِهِ، فَقَدْ قَالَ اللَّه تعالى: ﴿وَشاوِرْهُمْ فِي الْأَمْرِ فَإِذَا عَزَمْتَ فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ﴾ .
(Mula kay Jabir Ibn AAabdullah, sinabi niya: ’Inuutusan kami ng Propeta na humingi ng patnubay sa lahat ng aming alalahanin, gaya ng pagtuturo niya sa amin ng isang kabanata mula sa Qur'an. Sasabihin niya ’Kung nais ng sinuman sa inyo na gumawa ng isang bagay, magsalah siya ng dalawang rak'ah na nafilah (kusang-loob) at pagkatapos nito ay manalangin siya:‘O Allah, humihingi ako ng Iyong payo sa pamamagitan ng Iyong kaalaman at sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan ay humihingi ako ng lakas, at hinihiling ko sa Iyo mula sa Iyong dakilang biyaya, sapagkat katotohanan, Ikaw ay may kakayahan samantalang ako ay wala, at katotohanan, Ikaw ay may alam samantalang ako ay wala, at Ikaw ang Nakaaalam ng lihim. O Allah, kung alam Mong mabuti para sa akin ang bagay na ito -at dito ay babanggitin niya ang kanyang pangangailangan- may kinalaman sa aking relihiyon, aking buhay, at wakas, ay itakda Mo ito at padaliin Mo ito para sa akin, at pagpalain Mo ako rito, at kung alam Mong masama para sa akin ang bagay na ito may kinalaman sa aking relihiyon, aking buhay, at wakas, ay alisin Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito, at itakda Mo para sa akin ang mabuti saan man ito naroon at gawin Mo akong nasisiyahan dito.)(Ang humihingi ng patnubay sa kanyang Tagapaglikha at kumokonsulta sa kanyang kapwa mananampalataya at pagkatapos ay nananatiling matatag sa kanyang pasya ay hindi magsisisi, sapagkat sinabi ni Allah:…at sumangguni ka sa kanila sa usapin. Kapag nakapagpasya ka na, magtiwala ka kay Allah…)